Body-worn cameras ng PNP may night vision, water proof

Water proof at nagtataglay ng night-vision na may kakayahang makakita sa 10 metrong layo sa dilim ang mga body-worn cameras na binili ng Philippine National Police para sa kanilang mga operasyon.

Sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na ang cameras ay may auto-night mode na may kapabilidad na matukoy kung ano ang mga bagay na nasa paligid nito sa dilim.

Pahayag ng PNP Chief, “May mga operation na isinasagawa sa gabi and this was anticipated during the review of what type of body cameras would be procured by the PNP. Kaya nga ‘yung bilin ng mga nakaraang liderato ng PNP ay kung bibili ay ‘yung the best na at magagamit araw man o gabi o kahit masama pa ang pahanon. Yung mga police operations naman kasi ay walang pinipiling oras ‘yan at lugar.”

Ayon kay Eleazar, water proof din ang kanilang mga cameras na makakapag-rekord ng audio at video sa loob ng nasa walong oras sa operasyon ng mga operatiba ng PNP.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/06/2103486/body-worn-cameras-ng-pnp-may-night-vision-water-proof

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.