Pinas gagayahin ang vaccination strategy ng Israel

Tatlong eksperto mula sa Ministry of Health ng Israel ang kokonsultahin ng Pilipinas para makatulong sa vaccination efforts laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ng National Task Force on COVID-19, na sa Hunyo 20 ay darating ang mga eksperto mula sa Israel para pag-usapan ang vaccine deployment strategy, pagtalakay sa vaccine hesitancy, at pagbabalik normal sa Pilipinas.

Ayon kay Galvez, titingnan nila at pag-aaralan ang ginawa ng Israel at umaasa na magagamit nila ito dito sa Pilipinas.

Para makapaghikayat din umano ng mas maramig Pinoy na mabakunahan, target ng Pilipinas na gayahin ang ginawa ng Israel sa pagbibigay ng insentibo sa mga babakunahan at pagpapatupad ng restriksyon sa mga hindi pa.

Bukod dito, ang mga nakatanggap na umano ng bakuna ay magkakaroon ng pribilehiyo na mas malayang paggalaw, habang ang mga hindi pa nababakunahan ay kailangang sumunod sa protocol.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/07/2103578/pinas-gagayahin-ang-vaccination-strategy-ng-israel

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.