59 milyong botante nakapagparehistro na

Umabot na sa 59 milyong Pinoy sa bansa ang nakapagrehistro o kulang ng dalawang milyon para sa target na 61 milyon botante sa national and local elections sa Mayo 2022.

Umaasa si Commission on Elections Director James Jimenez na maaabot nila ang naturang target kahit may apat na buwan na lamang bago sumapit ang deadline sa itinakda nilang registration period sa Setyembre 30.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa nila ng satellite registration upang mas marami pa silang botante na maitala.

Target din nilang makapagdagdag pa ng mas maraming satellite registration para sa NCR ngunit limitado ito dahil sa istriktong standards na itinatakda nila at ng Inter-Agency Task Force.

Aniya, ang mga lugar kung saan maglalagay ng satellite registration ay dapat na may zero COVID-19 cases sa nakalipas na 14-araw bago ang itatakdang pagrerehistro doon, kaya’t nahihirapan silang maghanap ng mga lugar na paglalagyan nito.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/06/2103480/59-milyong-botante-nakapagparehistro-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.