P82.5 bilyong pondo sa bakuna kinapos

Hindi sapat ang 82.5 bilyon piso na inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng bakuna ngayong taon laban sa COVID-19, ayon sa Department of Budget and Management.

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na sa 82.5 bilyon piso, 70 bilyon piso ang ginamit para sa pagbili ng bakuna at 12.5 bilyon piso ang inilaan sa “ancillary at logistical requirements.”

Ani Avisado, “Kailangan pa natin nang mas marami pang vaccine, at nakikipag-unahan nga tayo sa ibang bansa. Kaya nga po itong lahat ng ito ay covered ng mga loan agreements.”

Pero hindi pa aniya natatapos ang pagbabakuna at mas marami pang bakuna ang kinakailangang bilhin.

Sinabi rin ni Avisado na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang paglalabas ng 2.5 bilyon na katumbas ng 56 milyon dolyar na kukunin sa 2021 contingency fund.

Ang pondo ay gagamitin para sa pagbili ng karagdagang apat na milyong doses ng bakuna at logistic at administrative cost.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/06/2103484/p825-bilyong-pondo-sa-bakuna-kinapos

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.