Kalusugan at kaligtasan ng publiko, tiyakin

Hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga negosyante na tumalima sa Safety Seal certification program ng pamahalaan para matiyak ang proteksyon sa kalusugan at kaligtasan ng publiko sa bawat komunidad.

Ito ay hiniling ni Belmonte nang ilunsad ang QC Safety Seal Certification sa SM City North EDSA kasama sina Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez at Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya.

Nilagdaan ni Mayor Belmonte ang Executive Order na nagkakapit-bisig sa lahat ng establisimyento sa lungsod para tupdin at ilagay ang Safety Seal sa kanilang gusali bilang katunayan o manifestation ng kanilang pagtupad sa minimum public health protocols tulad ng paggamit sa accredited contact tracing app KyusiPass.

Pahayag ni Belmonte, “We expect that this will increase customer confidence and positively affect everyone’s livelihood and our economy.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/06/2103489/kalusugan-kaligtasan-ng-publiko-tiyakin

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.