‘Buy Pinoy, Buy Local’, cash ayuda susi sa pagbangon ng MSMEs

Binigyang-diin ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na kailangan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan upang maibangon ang micro, small and medium enterprises mula sa matinding epekto ng pandemya.

Sa kanyang privilege speech, iginiit ni Pangilinan na dapat tulungang makabangon ang MSMEs dahil ito’y itinuturing na matibay na gulugod ng ekonomiya ng bansa.

Aniya, sa 1.42 milyong negosyo na nakarehistro sa buong bansa, 99 porsiyento ay kabilang sa sektor ng MSME habang tatlo sa limang manggagawa ay nagtatrabaho sa MSMEs.

Dahil sa epekto ng pandemya, sinabi ni Pangilinan na nasa 73 porsiyento ng MSMEs ang napilitang magsara ilang linggo matapos ang outbreak ng COVID-19.

Naglatag naman ang Senador ng ilang mga pagkilos upang mapasigla muli ang sektor ng MSMEs, kabilang ang pagpapalakas ng “Buy Pinoy, Buy Local” campaign para tangkilikin ng mga Pilipino ang mga produktong lokal.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/02/2102463/buy-pinoy-buy-local-cash-ayuda-susi-sa-pagbangon-ng-msmes

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.