Kabataang naaadik sa online gambling dumarami

Tumataas umano ang bilang ng mga kabataang naaadik sa online gambling kaya ipinasisiyasat ni Deputy Speaker at Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. sa Kamara ang e-sabong, online bingo, virtual casino at iba pang uri ng internet gambling.

Anya, ang internet ay nag-aalok ng access at pagtatago ng pagkakakilanlan ng mga manunugal kung saan dapat na bantayang mabuti ng mga magulang ang kanilang anak dahil silay’s computer literate.

Dahil online o digital currency ang gamit sa pagpusta sa online sabong, marami umano ang nalululong sa bisyong ito. Ang masakit dito, kahit menor-de-edad ay nakakataya sa online sabong dahil hindi naman nakikita ng operators o ng PAGCOR kung sinu-sino ang tumataya.

Marami na rin umanong napabalita na mag-asawang naghiwalay dahil naadik sa online sabong ang asawa habang may seaman at OFWs na nagpakamatay dahil naubos ang naipon at walang maiuwi sa pamilya.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/05/2103262/kabataang-naaadik-sa-online-gambling-dumarami

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.