2nd dose ng COVID-19 vaccine kailangan para sa full protection

Importanteng makumpleto sa takdang araw ang ikalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon ng “full protection,” ayon kay Dr. Edsel Salvaña ng Department of Health.

Nilinaw ni Salvaña na hindi kailangang ulitin ang unang dose sakaling mahuli ang pagpapaturok ng ikalawang dose pero mas maganda aniya na maibigay ito “on time.”

Aniya, “Hindi ninyo kailangan mag-start from scratch ulit kahit na-miss ninyo po iyong actual date ng inyong second dose. Bagama’t mas maganda pa rin na on time para mas mabilis po natin makuha iyong full protection.”

Ginagawa naman talaga ang “catch-up vaccination” at eepekto pa rin ang bakuna kahit mahuli pa ang ikalawang dose.

Ani Salvaña, may bakuna na mas matagal na ibinibigay ang second dose katulad ng AstraZeneca na may pagitang 12 linggo.

Kahit pa kinapitan ng COVID-19 matapos ang unang dose, puwede pa ring bigyan ng second dose matapos gumaling ang pasyente.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/05/2103261/2nd-dose-ng-covid-19-vaccine-kailangan-para-sa-full-protection

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.