Paniningil ng ‘overpriced’ na Remdesivir, hahabulin ng DOH

Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Department of Health ukol sa dumaraming ulat ng paniningil ng ‘overpriced’ na gamot na Remdesivir na gamit para sa mga pasyente na may malalalang COVID-19 ng mga pagamutan.

Sinabi ni Dr. Anna Guerrero, hepe ng DOH pharmaceutical division, nakarating na sa kanila ang mga reklamo sa pagsingil sa mga pasyente ng Remdesivir sa halagang aabot sa 27,000 piso gayung dapat nasa pagitan ng 1,500 hanggang 8,200 piso lamang ang presyo nito.

May mga resibong nakarating sa kanila na nakasaad na nasa 15,000 hanggang 20,000 piso ang presyo ng gamot at 27,000 piso ang pinakamataas. Idinadahilan umano ng mga ospital na kakapusan sa suplay ng naturang gamot ang dahilan ng pagtataas.

Ngunit iginiit ng DOH na hindi naman malaki ang itinataas ng mga supplier sa presyo ng naturang gamot na hindi hihigit sa 5,000 piso ang halaga ng importasyon mula sa India.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/03/2102724/paniningil-ng-overpriced-na-remdesivir-hahabulin-ng-doh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.