Komunidad ng daigdig, dapat magkakasamang pasulungin ang luntiang pag-ahon — Premyer Tsino

Bumigkas ng talumpati noong Mayo 30 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa 2021 Partnering for Green Growth and the Global Goals 2030 Seoul Summit.

Ipinahayag niya na sa kasalukuyan, sinasalanta pa rin ng COVID-19 ang daigdig at dumarami ang elemento ng kawalang katatagan sa kabuhayang pandaigdig.

Nahaharap din ang luntian at sustenableng pag-unlad ng mundo sa mahigpit na hamon.

Kaya dapat magkapit-bisig ang daigdig para maisakatuparan ang kaunlaran at luntiang transpormasyon at mapasulong ang kalidad ng pag-unlad.

Kaugnay nito, iniharap niya ang tatlong mungkahing kinabibilangan ng una, dapat magkaisa at magtulungan ang iba’t-ibang bansa para magkakasamang mapagtagumpayan ang pandemiya ng COVID-19; ikalawa, dapat baguhin ang ideya at pasulungin ang luntian at low-carbon na pamamaraan; ikatlo, dapat bigyang-pansin ang espesyal na kahirapan na kinakaharap ng mga umuunlad na bansa.

Source: http://filipino.cri.cn/20210531/eb792505-e149-61ec-8cc9-5296deaaa759.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.