Nagpapabakuna sa A2 at A3 groups, mababa

Kailangan pa umanong humanap ng mga paraan ang mga lokal na pamahalaan para palakasin ang kanilang mga istratehiya makaraan ang ulat na mababa pa ang bilang ng mga nagpapabakuna ng mga kabilang sa A2 at A3 priority groups, ayon sa Department of Health.

Sinabihan din ng DOH ang mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga dahilan kung bakit ayaw magpabakuna ng mga nasa A2 (o senior citizens) at A3 (o person with comorbidities) at makagawa ng mga solusyon para mas mahikayat ang mas marami na magpabakuna.

Kabilang sa mga isyu kaya marami ang hindi makapagpabakuna ay dahil sa mahina o walang internet signal, walang gadgets o hindi marunong gumamit nito para sa ‘online registration’ at pagiging malayo ng mga ‘vaccination sites.’

Isa sa maaaring gawin ng LGU ay ang ginawa ng San Juan na personal na tinungo ang mga bahay ng mga residente para sa ‘house-to-house registration’ lalo na iyong mga walang internet.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/04/2102982/nagpapabakuna-sa-a2-a3-groups-mababa

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.