Physicians Act Bill aprub na sa Kamara

Aprubado na sa Kamara ang batas na mamamahala at gagabay sa mga medical professionals sa bansa.

Ang panukalang “Physicians Act” na pangunahing iniakda at inisponsor ni Representative Angelina “Helen” Tan ng 4th District ng Quezon, ay layuning i-repeal ang outdated o wala na sa panahong Medical Act of 1959 na wala ng pakinabang sa scientific advancements at medical landscape ng makabagong panahon.

Ipinaliwanag ni Tan, na isa ring medical professional at Chairperson ng Committee on Health, na sakop ng Physicians Act ang regulasyon ng medical education, kabilang dito ang clinical clerkship, post-graduate medical internship, licensure at residency program.

Layunin ng batas ang makapagtatag ng Integrated National Professional Organization of Physicians, na magsisilbing national organization kung saan lahat ng doktor ay magiging mandatory member – ito ay isang modelong ginaya sa Integrated Bar of the Philippines.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/03/2102717/physicians-act-bill-aprub-na-sa-kamara

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.