Inuman sa pamilya, kaibigan at kapitbahay, iwas muna

Pinaalalahanan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga taga-lungsod na iwasan muna ang pagkakaroon ng social gatherings tulad ng mga inuman at iba pang aktibidad na dito nagiging mabilis ang hawaan ng virus.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Belmonte nang maalarma ang lokal na pamahalaan sa pagtaas ng bilang ng special lockdown areas na dulot ng mga inuman ng mga pamilya, kaibigan at kapitbahay.

Sa index case, walo sa 27 lugar na nasa ilalim ng special concern lockdown ay dulot ng hawahan sa mga inuman sa kanilang mga lugar at dito nagmula ang kontaminasyon sa mga miyembro ng komunidad.

Isang halimbawa ang inuman at ginaganap na kasal sa Barangay Matandang Balara na nakapagtala ng 69 confirmed cases na mayroong 25 ang naka-pending.

Pahayag ni Mayor Belmonte, “This is what we want to prevent – COVID-19 positive individuals infecting others in social gatherings without minimum health standards being observed.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/03/2102699/inuman-sa-pamilyakaibigan-kapitbahay-iwas-muna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.