‘Di pagdadala ng baril ng pulis kung off duty, kinontra ni Eleazar

Mariing tinutulan ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang panukala na iwanan ng mga pulis sa police station kung saan nakatalaga ang kanilang mga service firearm kapag sila ay off duty.

Ayon kay General Eleazar, responsibilidad pa rin ng mga miyembro ng kapulisan na rumesponde sa krimen kahit off duty kaya kailangan pa rin na may sandata silang dala na pang depensa.

Pero dagdag ng PNP Chief, mga short firearms lang aniya ang pwede nilang dalhin kapag sila’y off duty, at ang mahahabang armas ay tama lang na iwanan sa istasyon ng pulis.

Lumutang ang usapin kasunod ng pamamaril at pagpatay ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan kay Lilybeth Valdez, 52 taong gulang, sa Fairview, Quezon City noong ika-31 ng Mayo gamit ang kanyang service firearm.

Naniniwala si Eleazar na nasa pagkatao at pag-iisip ng isang pulis kung kailan at saan dapat na gamitin ang kanyang service firearm.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/04/2102986/di-pagdadala-ng-baril-ng-pulis-kung-duty-kinontra-ni-eleazar

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.