$US50 bilyong dolyares, ipinanawagan ng WHO, WTO, IMF at WB, para mapabilis ang pagpuksa COVID-19

Inilabas noong Hunyo 2 sa mga pahayagan ng daigdig ang isang artikulong magkakasanib na nilagdaan nina Direktor Heneral ng World Health Organization, Direktor Heneral ng World Trade Organization, Presidente ng International Monetary Fund, at Presidente ng World Bank.

Tinukoy ng artikulo na ang pagbabakuna ay ang susi para mawakasan ang krisis pangkalusugan at mapasulong ang pagbangon ng buong mundo.

Ipinagdiinan ng artikulo, na kailangang agarang isagawa ang pandaigdigang aksyon sa usaping ito.

Nanawagan ang apat na opisyal sa iba’t ibang bansa na maglaan ng 50 bilyong dolyares na pondo bilang suporta sa isang koordinadong estratehiya ng pagbabakunang pandaigdig, upang mabilis na mawakasan ang pandemiya ng COVID-19, at maigarantiya ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

Nangako ang mga opisyal na magkakasamang magpupunyagi para pasulungin ang pagpapatupad ng planong ito.

Source: http://filipino.cri.cn/20210602/7ca16b44-eda4-a52e-1d94-2ee9554d69b9.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.