Parak huli sa pangongotong sa police applicant

Nalambat ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group ang isang pulis na driver ng ambulansiya ng PNP Health Service na nangongotong ng 100,000 piso sa isang police applicant sa ikinasang entrapment operation sa Caloocan City.

Kinilala ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang suspek na si Staff Sergeant Joel Bunagan, 37. Agad itong isinailalim sa summary dismissal proceedings.

Nahuli si Bunagan sa isinagawang entrapment operation noong ika-31 ng Mayo dakong alas-3 ng hapon sa Waling-Waling Street, Sampaguita Subdivision, Camarin, Caloocan City, bunsod ng reklamo ng isang PNP applicant na hinihingan ng 100,000 piso ng suspek upang maproseso ng PNP recruitment.

Nakuha sa suspek ang ilang tig 1,000 piso na marked money, iPhone, at Keeway 125 blue and black motorcycle.

Ayon kay Eleazar, pinaiimbestigahan na niya kung bakit nanatili sa serbisyo ang nasabing pulisat kung sino ang mga kasabwat.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/02/2102479/parak-huli-sa-pangongotong-sa-police-applicant

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.