Pagtatanggal ng face shield, di pa napapanahon – DOH, DILG

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque na ang paggamit ng face shield ay suportado ng siyensiya kung saan lumilitaw na ang pagsusuot ng face mask at face shield, na sasamahan pa ng social distancing ay nagkakaloob ng higit pa sa 95% proteksiyon laban sa COVID-19 sa isang indibiduwal.

Tutol din naman dito ang Department of the Interior and Local Government. Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, hindi pa napapanahon ang pagtatanggal ng face shield policy dahil nananatili pa rin ang COVID-19 pandemic.

Aniya pa, hindi pa rin naman nakakamit ng bansa ang tinatawag na herd immunity, na inaasahang makakamit kung mabakunahan na ang may 50 milyong indibiduwal laban sa virus.

Noong Abril 2020 nang gawing mandatory ng IATF ang pagsusuot ng face shield at ng face mask sa pampublikong lugar bilang proteksiyon ng mga mamamayan laban sa COVID-19.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/04/2102949/di-na-paggamit-ng-face-shields-sinopla-ng-doh-dilg

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.