Wastong waste segregation, giit ni Mayor Joy

Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng lungsod na sanayin na magsagawa ng tamang waste management habang patuloy ang pagkolekta ng lokal na pamahalaan sa mga basura sa waterways sa lungsod.

Sa tala ng Quezon City Task Force on Solid Waste Management, mula Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon, nakakolekta ang lokal na pamahalaan ng may 810,000 kilo ng basura mula sa 20 creeks na nag-uugnay sa Quezon City.

Pahayag ni Mayor Belmonte, “We have been able to implement major improvements to our city’s waste management system, even during this pandemic. Let us continue to support this effort. Isa pa, huwag po natin payagan ang pagtatapon ng kahit anung dumi o basura sa ating mga waterways.”

Anya ang tamang sistema sa pagtatapon ng basura ay may malaking tulong para maiwasan ang mga pagbaha lalo na sa darating na panahon ng tag- ulan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/04/2102947/wastong-waste-segregation-giit-ni-mayor-joy

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.