Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati kay Pangulong Duterte

Isang mensahe ay ipinadala noong ika-9 ng Hunyo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Philippine counterpart na si Rodrigo Duterte bilang pagbati sa ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-123 anibersaryo ng pagsasarili ng Pilipinas.

Sa mensahe, tinukoy ni Xi na mahabang panahon ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Pilipino.

Aniya, nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapwa panig, nananatiling malusog at matatag ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan.

Dagdag pa ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon sa Pilipinas. Nakahanda siyang magsikap kasama ni Pangulong Duterte para mapatibay ang relasyon ng dalawang bansa at maisakatuparan ang mas malaking win-win result.

Source: CRI

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.