50K tauhan ng PNP, BFP idineploy

Mahigit sa 50,000 tauhan ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ang idineploy ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng COVID-19 vaccine rollout sa bansa.

Kasunod na rin ito nang inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo ng may 36 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 category.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nasa mga 35,000 police personnel ang tutulong sa pagbibiyahe ng mga bakuna sa buong bansa, habang mga 14,000 naman ang tutulong sa pagtiyak na mapapanatili ang health protocols, at magkakaloob ng seguridad sa inoculation activities.

Samantala, nasa 2,390 personnel at 356 emergency medical service units mula sa BFP ang ide-deploy sa 1,150 warehouse at mga vaccination sites.

Nagpuwesto na rin ang BFP ng 733 fire trucks at 59 ambulansiya para sa pangangailangan sa transportasyon sa pagbabakuna.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/31/2102007/50k-tauhan-ng-pnp-bfp-idineploy

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.