Ika-19 na pulong ng mga mataas na opisyal tungkol sa pagsasakatuparan ng DOC sa SCS, idinaos sa Chongqing

Idinaos noong Hunyo 7 ang ika-19 na pulong ng mga opisyal ng Tsina at ng Association of Southeast Asian Nations tungkol sa pagsasakatuparan ng “Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.”

Nangulo sa pulong ang Direktor-General ng Department of Boundary and Ocean Affairs ng Ministring Panlabas ng Tsina at ang Asistanteng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang iba’t-ibang panig hinggil sa mga temang gaya ng komprehensibo’t mabisang pagsasakatuparan ng DOC, pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyong pandagat, at pagsasanggunian ng Code of Conduct sa South China Sea.

Ipinalalagay ng mga panig na matatag sa kabuuan ang kasalukuyang situwasyon sa South China Sea. Buong pagkakaisa rin nilang sinang-ayunang patuloy na palakasin ang kooperasyon at palalimin ang pagtitiwalaan para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.

Source: CRI

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.