Displaced drivers, konduktor, OFWs iha-hire sa DOTr projects

Nais ni Transportation Secretary Arthur Tugade na tumanggap ng mga driver at konduktor ng public utility vehicles, at maging OFWs na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya, para sa mga proyekto ng kagawaran tulad ng Philippine National Railways Clark Phase 1 Project.

Sa inspeksyon ng Valenzuela at Bulacan segments ng PNR Clark Phase 1 Project noong ika-26 ng Mayo, sinabi ng kalihim na nasa 200 dating OFWs ang nagtatrabaho sa naturang proyekto.

Kasabay nito, hinikayat ni Tugade ang iba pang displaced OFWs na makiisa. Hinikayat din niya ang iba pang displaced workers sa transport sector na magtrabaho sa DOTr projects.

Nasa 7,500 empleyado ang natanggap sa kasagsagan ng konstruksyon ng proyekto, habang dagdag na 2,000 trabaho ang bubuksan oras na maging operational na ito.

Ang PNR Clark Phase 1 ang magkokonekta sa Tutuban sa Manila at Malolos sa probinsya ng Bulacan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/01/2102241/displaced-drivers-konduktor-ofws-iha-hire-sa-dotr-projects

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.