Daily allowance sa volunteer health workers sa Quezon City, aprubado na

Nilagdaan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansa na nagkakaloob ng arawang allowance sa mga medical professional volunteer na tumutulong sa medical workforce sa lungsod sa pagbabakuna.

Sa ilalim ng nilagdaang ordinansa ni Mayor Belmonte, ang bawat medical professional volunteer ay tatanggap ng arawang allowance na hanggang 2,500 piso.

Sa ilalim ng ordinasang nagkakaloob ng Daily Allowance sa mga COVID-19 Vaccination Volunteer Medical Staff ay makakatanggap ng pambayad sa kanilang pagkain, transportasyon, at iba pang pangangailangan na nagsisilbi sa alinmang COVID-19 vaccination sites sa QC.

Simula noong June 1, ang sinuman na nag sign-up bilang volunteer ay pagkakalooban ng per day allowance na 2,500 piso para sa doctors; 1,400 piso para sa dentists at nurses; 1,300 piso para sa mga post-graduate interns; 1,000 piso para sa mga allied medical professionals; at 800 piso sa mga midwives.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/04/2102943/daily-allowance-sa-volunteer-health-workers-sa-quezon-city-aprubado-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.