Biyaheng Ortigas-Makati ‘kaya ng 5 minuto’ sa bagong itinatayong kalsada — DPWH

Anong mararamdaman mo kung kakayaning bumiyahe mula Pasig, Makati at Taguig nang hindi inaabot ng siyam-siyam sa daan? ‘Yan ang ambisyosong plano ng Department of Public Works and Highways sa bubuksang kalsada sa ika-12 ng Hunyo.

Tinutukoy ni DPWH Secretary Mark Villar ang 1.6 bilyong pisong BGC-Ortigas Road Link, bagay na target buksan ang main span sa Araw ng Kalayaan.

Ani Villar, “Kung ‘yung biyahe dati pwedeng umabot ng isang oras, baka mga five minutes na lang from Ortigas to Makati and Taguig.”

Pebrero 2020 nang ipangako ni Villar na kayang mapababa ng nasabing proyekto ang travel time mula Bonifaio Global City hanggang Ortigas Central Business District patungong 11-minuto.

Dagdag niya, kaya nitong mapaluwag ng 20% ang sikip ng trapiko sa EDSA, na isa sa pinaka-busy na highway sa Pilipinas.Batay din sa pagkwekwenta ng DPWH, dinisenyo rin ito para mapuwag ang C-5 Road nang hanggang 10%.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/19/2099344/biyaheng-ortigas-makati-kaya-ng-5-minuto-sa-bagong-itinatayong-kalsada-dpwh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.