‘Di na paggamit ng face shields, sinopla ng DOH, DILG

Mariing tinutulan ng Department of Health at maging ng DILG ang panukalang hindi na paggamit ng face shield sa pampublikong lugar.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, hindi pa umano napapanahon na tanggalin na ang polisiya sa paggamit ng face shields habang mababa pa ang bilang ng nababakunahan kontra COVID-19.

Tugon ito ni Duque sa panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi na dapat gumamit ng face shields sa mga pampublikong lugar at dapat ay sa mga pagamutan na lamang ito ipatupad. Iginiit ni Moreno na sapat na ang face mask bilang proteksyon.

Sinabi pa niya na hindi naman ito ginagawa ng ibang bansa at tanging ang Pilipinas lang ang nagpapatupad ng naturang polisiya sa face shield.

Ipinaliwanag ni Duque na hindi pa maaaring tanggalin ang face shield policy dahil ang two-dose vaccination coverage ng bansa ay nasa lampas 2% pa lamang dahil na rin sa kakulangan ng suplay ng bakuna.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/04/2102949/di-na-paggamit-ng-face-shields-sinopla-ng-doh-dilg

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.