Unang pangkat ng bakunang Tsino kontra COVID-19 para sa COVAX, opisyal na nagroll-off sa produksyon

Nitong nakaraang unang araw ng buwan ng Hunyo, opisyal na nagroll-off sa produksyon ang unang pangkat ng bakunang gawa ng kompanyang Sinopharm kontra novel coronavirus disease na isusuplay ng panig ng bansang Tsino sa COVID-19 Vaccines Global Access o COVAX.

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay isa pang mahalagang pagtupad sa pangako ng panig Tsino na gawing “pampublikong produktong pangkalusugan ng daigdig” ang bakuna ng Sinopharm sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Ani ng Tagapagsalita, patuloy na kakatigan ng bansang Tsino ang mga kaukulang kompanya sa pagpapalakas ng pakikipagsanggunian at pakikipagkoordinahan sa grupong COVAX upang patuloy na makapag-ambag sa pagtatagumpay ng buong mundo laban sa pandemiya ng COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Source: http://filipino.cri.cn/20210602/c546efee-7654-f0df-2e82-66811933a53b.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.