Mindanao nahigitan na ang NCR sa COVID-19 cases

Nahigitan na ng Mindanao at Luzon ang Metro Manila sa rami at bilis ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na linggo.

Sa Mindanao pa lang, mas mataas na ang bilang ng mga bagong kaso nito kumpara sa Metro Manila habang ang Luzon ay nagpakita ng mabilis din na pagtaas ng mga kaso, ayon kay Department of Health Epidemiology Bureau officer-in-charge Dr. Alethea De Guzman.

Tuluy-tuloy rin naman bagama’t unti-unti ang pagtaas ng ‘weekley average’ ng mga kaso sa buong bansa, ayon kay De Guzman base sa mga datos nitong mga nakalipas na linggo.

Naitala sa 6,691 ang daily average ng mga naiuulat na kaso mula Mayo 27 hanggang Hunyo 2 na mas mataas kumpara sa 5,214 kaso mula Mayo 20 hanggang Mayo 26.

Ang pagtaas ng kaso ay nagpapakita na dapat pa ring panatilihin ng publiko ang pagsunod sa ‘minimum health standards’ at mahigpit na pagpapatupad nito ng pamahalaan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/04/2102981/mindanao-nahigitan-na-ang-ncr-sa-covid-19-cases

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.