Pagpapalabas sa seniors na ‘fully vaccinated’ sinopla ng Malacañang

Hindi pabor ang Malacañang sa isinusulong na panukala ng isang senador na payagan nang lumabas ang lahat ng mga senior citizens na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Kasabay nito, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi naman “absolute” ang pagbabawal sa mga senior citizens na lumabas ng tahanan dahil pinapayagan silang bumili ng kanilang mga pangangailangan at mag-exercise.

Pero ang tuluyan aniyang pagpapalabas sa mga senior citizens na higit sa 65 taong gulang ay depende kung makakamit ang population protection.

Hindi lang aniya ang mga may bakuna na ang dapat magkaroon ng proteksiyon kung hindi ang mayorya ng populasyon dahil hindi pa rin garantiya ang bakuna upang hindi na tamaan ng COVID-19.

Ipinaalala rin ni Roque na iba ang epekto ng bakuna sa isang malusog na kabataan kaysa sa matanda kaya dapat “stay at home” pa rin ang mga senior citizens.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/01/2102246/pagpapalabas-sa-seniors-na-fully-vaccinated-sinopla-ng-malacaang

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.