Biden sumulat kay Duterte, matibay na ugnayan ng Pinas at US tiniyak

Sumulat si US President Joe Biden kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tiniyak nito na magpapatuloy ang matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika, ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez.

Sinabi rin ni Romualdez na umaasa rin si Biden na makakaharap niya ng personal si Duterte bagaman at wala pang itinatakdang meeting sa pagitan ng dalawa.

Plano umano ni Biden na kausapin ang ilang lider ng Association of Southeast Asian Nations bago ganapin ang regional summit sa Brunei sa Nobyembre.

Inihayag din ni Romualdez na balak ng Amerika na mamahagi ng nasa 80 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Kasama na aniya ang Pilipinas sa unang batch dahil inuunang bigyan ng Amerika ang mga kaalyadong bansa.

Pero hindi tiyak ni Romualdez kung ilang doses ang ibibigay sa Pilipinas. Wala rin aniyang kondisyong hinihingi ang Amerika sa ipamamahaging bakuna.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/01/2102245/biden-sumulat-kay-duterte-matibay-na-ugnayan-ng-pinas-us-tiniyak

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.