Pacquiao bumanat kay Cusi

Sa halip na pulitika, dapat atupagin muna ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang problema sa nararanasang brownout sa bansa.

Sa privilege speech ni Senador Manny Pacquiao, tinuligsa niya si Cusi dahil sa isang hearing ay nangako ang kalihim sa mga senador na hindi mararanasan ang brownout ngayong tag-init, subalit ito na umano ang nangyayari ngayon.

Delikado anya ang pag-iimbak sa mga COVID-19 vaccines at apektado ang pag-aaral ng mga estudyante at mga nagtatrabaho at business sa online.

At dahil miyembro ng PDP-Laban si Cusi ay tiyak na masisisi pati silang mga kapartido nito at maging si Pangulong Duterte.

Si Pacquiao at Cusi ay may hidwaan matapos magpatawag ang kalihim ng national council meeting ng PDP-Laban kahit tutol ang senador na presidente ng partido.

Iginiit ni Pacquiao na dapat magkaroon ng accountability si Cusi sa taumbayan dahil sa nararanasang brownout ngayon sa kamaynilaan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/03/2102728/pacquiao-bumanat-kay-cusi

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.