Pinas magdo-donate ng $1 milyon sa COVAX

Magbibigay ang Pilipinas ng isang milyong dolyares sa COVID-19 Global Access program ng World Health Organization bilang tulong upang ipambili ng mga ipinamimigay na bakuna laban sa novel coronavirus disease sa mga nangangailangang bansa sa buong mundo.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagkukulang na ang pera at panahon na upang bumawi naman ang Pilipinas na nakatanggap ng maraming doses ng bakuna mula sa COVAX.

Isa aniya ang Pilipinas sa hinihingan ng donasyon ng COVAX kaya magbibigay ang gobyerno ng nasa 50 milyon piso. Sinabi pa ni Pangulong Duterte na napakabuti ng COVAX proram sa Pilipinas dahil isa ito sa mga unang nagbigay ng bakuna laban sa COVID-19 bukod sa China.

Ipinaalala rin ng Pangulo na ilang beses nang nakakuha ng bakuna ang bansa mula sa COVAX. Panahon na rin aniya na ang Pilipinas naman ang magbalik ng ipinakitang kabutihan ng COVAX.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/02/2102457/pinas-magdo-donate-ng-1-milyon-sa-covax

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.