Karagdagang isang milyong dosis na Sinovac vaccines, dumating na ng Pilipinas

Noong madaling araw ng Linggo, ika-6 ng Hunyo, dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang karagdagang pangkat ng isang milyong dosis na bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina kontra sa COVID-19. Hanggang sa ngayon, umabot na sa 6.5 milyong dosis ng Sinovac vaccines na tinanggap ng Pilipinas.

Sinalubong sa paliparan ang nasabing mga bakuna nina Francisco Duque, Kalihim ng Kalusugan ng Pilipinas, at Carlito Galvez, National Task Force against COVID-19 Chief Implementer.

Nauna rito, ipinahayag noong Sabado ni Maria Rosario Vergeire, Pangalawang Kalihim ng Kalusugan ng Pilipinas, na kasunod ng pagkalakip ng World Health Organization ng Sinovac vaccine sa Emergency Use List, nagiging mas mataas ang kompiyansa ang mga Pilipino sa bakunang ito.

Ani Vergeire, makaraang mapasa sa pagtasa ng WHO, muling napatunayan ng Sinovac vaccine ang kabisaan nito sa pagpigil sa pagkahawa ng COVID-19.

Source: http://filipino.cri.cn/20210606/5d3a1b09-94db-bbce-19e7-77b68018d8ce.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.