Antibody testing ‘di rekomendado sa bakunado

Hindi inirerekomenda ng Department of Health sa publiko na nabakunahan ng COVID-19 vaccines na sumailalim sa antibody testing para malaman kung protektado na laban sa virus.

Pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “The DOH does not recommend antibody testing to confirm if you are protected against COVID-19 after vaccination.”

Ito ay kaugnay ng pagdinig sa Kongreso ukol sa antibody testing na ginagawa ng mga bakunado na nais malaman kung may antibodies na ang kanilang katawan matapos tumanggap ng bakuna. Nagdudulot ito ng mababang kumpiyansa sa pagpapabakuna base sa ilang mga resulta.

Sinabi pa ng opisyal na ang negatibong resulta ng antibody test ay hindi nangangahulugan na hindi epektibo ang COVID-19 vaccine.

Tiniyak niya na lahat ng bakuna na nasa bansa ay epektibo dahil sa dumaan ang mga ito sa mahigpit na regulasyon bago nabigyan ng ‘emergency use authorization.’

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/03/2102725/antibody-testing-di-rekomendado-sa-bakunado

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.