Nadiskubreng COVID-19 variant sa Vietnam hindi dapat ika-‘panic’ — DOH

Pinakakalma ng Department of Health ang publiko sa panibagong COVID-19 variant na unang natuklasan mula sa Vietnam.

Sinasabing mas mabilis pa kumalat ang naturang COVID-19 variant kumpara sa karaniwang uri ng virus dahil “kombinasyon” ito ng Indian at United Kingdom variants.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kulang-kulang pa ang mga datos sa ngayon pagdating sa bagong tipo ng virus. Gayunpaman, wala naman daw dapat ikatakot kung susunod sa health protocols ang lahat.

Ani Vergeire sa isang media forum, “Whatever variants that there may be dito sa ating bansa, kung tayo po ay strictly nagpapatupad ng health protocols natin at tayo po ay nagpabakuna, tayo po ay protektado.”

Sa tuwing may nadidiskubreng bagong variant at mutation ng COVID-19 sa sari-saring bansa sa GISAID na pinamamahalaan ng World Health Organization, na siyang nagklaklasipika ng mga variants of concern.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/31/2102119/nadiskubreng-covid-19-variant-sa-vietnam-hindi-dapat-ika-panic-doh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.