Suplay ng kuryente sa Luzon, balik-normal na

Balik-normal na muli ang suplay ng enerhiya sa buong Luzon at hindi na magpapatuloy ang ‘rotational brownouts’ na idinulot ng paghinto sa operasyon ng ilang power plants, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi.

Humingi rin ng paumanhin si Cusi dahil sa naranasang brownouts sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila na nakaapekto sa trabaho at ope­rasyon ng mga negosyo.

Nag-umpisa ang ‘rotational brownouts’ sa Luzon noong ika-31 ng Mayo dahil sa nipis ng suplay ng enerhiya.  Bukod sa pagsasara ng ilang planta, nakadagdag dito ang mataas na demand ng mga consumer sa kuryente dahil sa mainit na panahon.

Saad ng kalihim, “I apologize for the last 2 days na nagkaroon po ng rotating brownouts. Dahil po ‘yon dahil sa sabay-sabay po na nagkaroon po ng breakdown ng 4 na plantang malalaki.”

Iniulat ni Cusi na ang inaasahang demand ay 10,300 megawatts habang ang handang suplay ay nasa 11,600 megawattas.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/04/2102985/suplay-ng-kuryente-sa-luzon-balik-normal-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.