Travel ban sa 7 bansa pinalawig hanggang Hunyo 15

Pinalawig ng Bureau of Immigration ang travel ban sa pitong bansa dahil sa pagsulpot ng mga bagong variants ng COVID-19.

Tinukoy ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang pagpapatuloy ng ban sa mga biyahero mula sa mga bansang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates hanggang Hunyo 15.

Ayon kay Morente, “Those who have a travel history from said countries within the last 14 days from the date of their arrival in the Philippines, will also be prohibited from entering the country.”

Maaari naman umanong payagan ang mga biyahero mula sa naturang mga bansa na gagawin lamang ‘stop-over’ ang Pilipinas at hindi bababa ng eroplano.

Bukod dito, ipinaalala ng BI na bawal pa ring pumasok ang mga turistang dayuhan. Tanging mga Filipino, balikbayan at mga dayuhan na may balidong visa at hindi galing sa pitong nabanggit na bansa ang pinapayagang makapasok sa Pilipinas.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/02/2102470/travel-ban-sa-7-bansa-pinalawig-hanggang-hunyo-15

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.