Tsina at ASEAN, palalakasin ang kooperasyon para sa sustenableng pag-unlad

Ipinahayag noong ika-28 ng Mayo ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pag-asang, palalakasin ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations ang kooperasyon sa pangangalaga sa ekolohiya, pag-iwas at pagpapahupa ng mga kapinsalaang dulot ng mga kapahamakan, pagharap sa pagbabago ng klima, at pagbawas ng karalitaan, upang lumikha ng mga paborableng kondisyon para sa sustenableng pag-unlad sa buong rehiyong ito.

Winika ito ni Li sa mensaheng pambati sa paglulunsad ng aktibidad ng taon sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa sustenableng pag-unlad.

Sinabi rin ni Li, na ang taong ito ay ika-30 anibersaryo ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN.

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama sa mga bansang ASEAN, na pasulungin ang mutuwal na paggalang, mutuwal na kapakanan, at win-win cooperation, para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

Source: http://filipino.cri.cn/20210529/faf8fb82-bad5-3fba-b210-50dff19212e6.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.