Distribution ng ECQ ayuda, kumpleto na

Nakumpleto na ng mga local government units ang distribusyon ng ayuda para sa mga residente ng NCR Plus areas na naapektuhan ng enhanced community quarantine na ipinairal ng pamahalaan mula Marso 29 hanggang Abril 11.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, kabuuang 22.9 bilyong piso ang naipamahagi sa may 22.9 milyong beneficiaries sa NCR Plus areas, na binubuo ng National Capital Region, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

Sa idinaos na Talk to the Nation briefing, sinabi rin ni Año na hanggang noong ika-31 ng Mayo, may walong LGUs ang magsasauli sa Bureau of Treasury ng mga hindi nagamit o sumobrang pondo na aabot sa 26.3 milyong piso.

Kabilang umano dito ay ang Navotas City sa Metro Manila; Bacoor, Imus, Alfonso, General Emilio Aguinaldo, Magallanes sa Cavite; Los Baños sa Laguna, at Baras sa Rizal.

Naka-100% distribution rate naman ang Bulacan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/02/2102515/distribution-ng-ecq-ayuda-kumpleto-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.