COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon

Nag-abiso ang Department of Energy sa ibang ahensya na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7.

Ayon kay Energy Undersecretary William Fuentebella, “Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga opisyales…para masigurado na protektado ‘yung ating mga [vaccine] storage facilities.”

Iminungkahi nila na magkaroon ng ‘triple backup system’ para masolusyunan ang sitwasyon. Nakapaloob dito ang back-up na solusyon sa National Grid Corporation of the Philippines, sa mga distribution utility at sa mismong mga storage facilities.

Ito ay makaraang ilagay sa ‘yellow at red alert status’ ang Luzon grid.  Ang ‘yellow’ ay nangangahulugan na manipis ang suplay ng kuryente sa isang lugar habang ang ‘red alert’ ay maaaring magpatupad na ng ‘brownout’.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/02/2102471/covid-19-vaccines-protektahan-vs-brownouts-sa-luzon

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.