Post office Notification cards ipinatigil, ‘undelivered parcels’ naresolba

Inanunsyo ng Philippine Postal Corporation ang pagpapatigil sa matanda at matagal nang gawain na pag-iisyu ng “notification cards” na siyang nagpapabagal sa proseso ng paghahatid ng sulat o parsela.

Ayon sa Postal Service, “Kapag dumating na ang parsela sa kanilang tanggapan at naiproseso na, wala nang dahilan upang ito ay magtagal pa sa Post Office. Hindi na kailangang antayin pa ang “Notification Cards”, at ito ay kaagad na ihahatid ng kanilang tanggapan via door to door.”

Kamakailan lamang ay naihatid na ng postal service ang mga “undelivered parcels” sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Palawan at Batanes. Humigit kumulang 214,730 na “undelivered mails” ang naihatid ng PHLPost Area 3 simula March 23.

Ayon kay Postmaster General Norman “Postman” Fulgencio, katumbas nito ang bilang ng mga taong sana ay pupunta o magpipick-up ng kanilang parsela sa post office.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/05/25/2100584/post-office-notification-cards-ipinatigil-undelivered-parcels-naresolba

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.