‘Fully-vaccinated’ na seniors, bawal pa ring lumabas

Hindi pa rin dapat payagang lumabas ng bahay ang mga senior citizen kahit na ‘fully-vaccinated’ na sila dahil sa may banta pa rin na mahahawa sila ng COVID-19 bunsod ng mababa pang bilang ng nababakunahan.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, Philippine College of Physicians vice-president, “Unang-una, ang baba pa ng vaccination rate natin…Mapa-senior citizen man ‘yan o ‘yong mga nasa 40s, mga nasa productive age group natin, I think hindi pa rin tayo dapat basta-basta magluwag doon sa mga restrictions natin.”

Sinabi niya na dapat hintayin muna na mabakunahan ang 70 porsyento ng populasyon ng bansa bago pag-usapan ang mga pagluluwag sa restriksyon.

Bukod sa maaaring mahawa kahit bakunado na, puwede rin na sila ang makahawa ng iba na hindi pa nababakunahan.

Kasunod ito ng panawagan ng National Commission of Senior Citizens na magtalaga ng eksklusibong oras ang mga supermarkets at botika para sa mga senior citizen.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/27/2101136/fully-vaccinated-na-seniors-bawal-pa-ring-lumabas

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.