’24 oras, araw-araw’ na pagbabakuna vs COVID-19 itinulak ng mambabatas

Habol ngayon ng isang mambabatas ang “24/7” na pagtuturok ng bakuna laban sa COVID-19 bilang tugon sa pandemya, bagay na inilalapit na sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ito ang mungkahi ni Deputy Speaker Mikee Romero sa IATF para mapabilis ang immunization effort at mapaluwag ang mga siksikang bakunahan sa ngayon, na siyang pwede pang pagmulan ng COVID-19 transmission.

Ani Romero, “Longer hours of vaccine center operations would address the problem of overcrowding and help guarantee the observance of health and security protocols.”

Nasa 108,540 lang kasi ang average na nababakunahan kada araw laban sa COVID-19 sa nakaraang linggo, kahit na 500,000 per day ang target ng gobyerno para maabot ang herd immunity sa Metro Manila at iba pang probinsya sa ngayong Nobyembre.

Pero para maabot ito, kinakailangan daw kumuha ng mas maraming magtuturok ng gamot.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/21/2099883/24-oras-araw-araw-na-pagbabakuna-vs-covid-19-itinulak-ng-mambabatas

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.