Coronavirus variant na may substansyal na banta sa mga umiiral na bakuna, di pa lumitaw—Puno ng WHO

Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-74 na World Health Assembly noong Lunes, Mayo 24, nang mabanggit ang kalagayan ng COVID-19 pandemiya sa buong mundo, sinabi ng Direktor Heneral ng World Health Organization na hanggang sa kasalukuyan, hindi pa lumitaw ang coronavirus variant na maaaring grabeng makapinsala sa episyensiya ng umiiral na bakuna, diagnosis at paraan ng pang-gagamot.

Saad niya, hindi matatapos ang pandemiya kung hindi makokontrol ang pagkalat ng virus sa bawat bansa.

Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na magtulungan, at magbigay ng priyoridad sa pagbabakuna ng mga grupong nasa mataas na panganib na gaya ng mga doktor, nars at matatanda.

Dagdag niya, maaaring magpatingkad ang Vaccines Global Access o COVAX na pinamumunuan ng World Health Organization ng koordinadong papel, pero napakalaki ng kakulangan sa mga tinanggap na bakuna kontra COVID-19.

Source: http://filipino.cri.cn/20210525/f784f8b7-99e3-d88f-bd6e-7f3fea8fe157.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.