Spence ‘di uubra kay Pacquiao — Fortune

Hindi uubra sa lakas ni eight-division world champion Manny Pacquiao si reigning World Boxing Council at International Boxing Federation welterweight champion Errol Spence Jr.

Ito ang paniniwala ni strength and conditioning expert Justine Fortune dahil nasa ibang level ang Pinoy champion kumpara kay Spence.

Ani Fortune, “Pacquiao is on a different level. Pacquiao is a different animal.”

Binigyang-diin ni Fortune ang dami ng suntok na pinakakawalan ni Pacquiao sa tuwing lumalaban ito.

Bukod pa rito ang bilis at lakas ng kamao ng Pinoy pug na pangunahing armas nito sa kanyang maningning na boxing career.

Dagdag pa niya, “It’s just the volume of Pacquiao’s punches, ferocity and speed and the power.”

Alam ni Fortune na malakas si Spence. Subalit hindi ito maaaring mikumpara kay Pacquiao dahil ‘di hamak na mas malakas ang tinaguriang Pambansang Kamao.

Kasado na ang salpukan nina Pacquiao at Spence sa Agosto 21 sa Las Vegas.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/05/27/2101084/spence-di-uubra-kay-pacquiao-fortune

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.