‘Oplan Tokhang’, itutuloy ni Gen. Eleazar

Tiniyak ni Philippine National Police chief, General Guillermo Eleazar na itutuloy niya ang kontrobersyal na ‘Oplan Tokhang’.

Ang paniniyak ay ginawa ni Eleazar bunsod na rin sa patuloy na operasyon ng mga sindikato na sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay Eleazar, epektibo ang ‘Oplan Tokhang’ bilang bahagi ng pinaigting na anti-drug campaign.

Sinabi pa nito, na nagkaroon lang ng misconception ang mga tao, at iniuugnay ang salitang ‘tokhang’ sa mga namamatay na suspek sa anti-drug operations.

Pero nilinaw ni Eleazar, na ang ‘Oplan Tokhang’ ay simpleng house visitation lang upang pakiusapan ang mga known drug personalities, na tumigil na sa kanilang maling gawain at matulungan na marehabilitate.

Paliwanag ni Eleazar, ang kanilang mga police anti-drug operations ngayon ay nakatutok sa mga high value target, at hindi lang mga ordinaryong street pusher.

Naniniwala si Eleazar, na on-track ang kampanya kontra droga.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/29/2101571/oplan-tokhang-itutuloy-ni-gen-eleazar

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.