Mayor Joy: Quezon City, ligtas pa rin sa LGBT community

Kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpatay at panggagahasa sa transgender man sa Quezon City noong nakaraang buwan, kasabay nang pagtiyak na ang Quezon City ay ligtas pa rin para sa LGBT community.

Ayon sa alcalde, “This type of violence has no space in a civilized society where everyone is treated equally and with the utmost respect.”

Kasabay nito, pinuri ni Belmonte ang pamunuan ng Quezon City Police District dahil sa mabilis na pag-aksiyon sa kaso na nagresulta sa pagkakaaresto at pagsasampa ng kaso sa tatlong suspek sa pagpatay at panggagahasa kay Norriebi Tria, 21, alyas Ebeng Mayor na residente ng Batasan Hills.

Nabatid na ang Quezon City ay isa sa mga kauna-unahang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na nag-apruba at nagpatupad ng gender fair ordinance na nagbabawal sa diskriminasyon base sa sexual orientation, gender identity, and expression at upang protektahan ang kanilang mga karapatan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/24/2100386/mayor-joy-quezon-city-ligtas-pa-rin-sa-lgbt-community

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.