Fixer sa PNP recruitment timbog, police colonel at misis idinawit

Sa kabila ng babala ni Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar, may ilan pa ring nanga­ngahas na magsamantala sa recruitment ng pulis matapos na maaresto ang isang fixer, kamakalawa.

Kinilala ni Eleazar ang nadakip na suspek na si Evalyn Aleman Miparanum, alyas Evah Fonda, nagtratrabaho sa Public Safety Savings and Loan Association bilang agent, at residente ng Taguig.

Naaresto ito ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group, sa isang entrapment operation, matapos tanggapin ang 50,000 pesos marked money mula sa undercover na pulis.

Nag-aalok umano ang suspek sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ng tulong, sa pagpasa ng neuro-psychiatric exam ng mga aplikante sa pagkapulis sa halagang 50,000 pesos.

Ayon kay Eleazar, iniimbestigahan ngayon ng PNP ang ibinunyag ng suspek na kasabwat niya ang isang colonel sa PNP Health Service, at maging ang asawa nito na isa ring pulis.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/29/2101569/fixer-sa-pnp-recruitment-timbog-police-colonel-misis-idinawit

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.