Tourism frontliners at paalis na OFWs, kasama na sa A1 priority groups

Isinama na ng pamahalaan ang mga ‘frontliners’ sa industriya ng turismo at mga paalis na OFWs sa A1 priority group sa vaccination upang mapalakas pa rin ang ekonomiya ng bansa.

Sa pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inaprubahan na ng IATF ang panukala nila na isama ang mga ‘tourism frontliners’ sa mga maagang mababakunahan.

Sabi ni Puyat, makakatulong ito para sa ‘survival’ ng industriya ng turismo at sa pagbuhay rin ng ekonomiya.

Isinama na rin ng IATF sa A1 priority group ang mga OFWs na aalis na ng bansa sa loob ng apat na buwan para sa kanilang trabaho.

Ang desisyon ay dahil sa malaking kontribusyon sa ekonomiya ng mga OFWs sa pamamagitan ng remittances na ipinapadala sa kanilang pamilya.

Una na ring inilagay sa A4 priority group ang mga empleyado ng mga Business Processing Outsourcing companies na bumubuhay rin sa ekonomiya ng bansa at hindi tumitigil kahit ngayong may pandemya.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/29/2101616/tourism-frontliners-paalis-na-ofws-kasama-na-sa-a1-priority-groups

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.