30 kph speed limit sa matataong kalsada panawagan ng riders, bikers

Nanawagan sa mga local government unit ang grupo ng mga motorcycle rider at mga siklista na paigtingin ang pagpapatupad sa 30 kilometers per hour speed limit sa mga matataong kalsada.

Nasa higit 200 riders ang nagtipon-tipon sa C.P. Garcia Street sa UP-Diliman at sabay-sabay nagtungo sa Pasig City para hilingin ang mahigpit na pagpapatupad ng speed limit.

Bukod sa speed limit, hindi rin nasusunod ng ilang LGU ang ilang batas trapiko sa ilalim ng Land Transportation and Traffic Code, ayon kay Eric Lazarte ng Philippine Advocate for Road Safety at Kapatiran sa Dalawang Gulong.

Binanggit ni Lazarte ang ulat ng World Health Organization noong 2018, kung saan nakitang higit isang milyon ang namamatay sa mga road accident. Karamihan umano sa mga naaksidente ay mga vulnerable road users gaya ng pedestrians, bikers at motorcycle riders.

Ang 30 kilometers per hour speed limit ay ipinatutupad sa city at municipal streets.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/05/24/2100388/30-kph-speed-limit-sa-matataong-kalsada-panawagan-ng-riders-bikers

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.