SWS: 63% na Pinoys mas gusto ang bakuna galing US

Mas gusto ng 63 porsyento ng mga Filipino ang bakuna laban sa COVID-19 na mula sa Amerika.

Base ito sa resulta ng survey ng Social Weather Station na isinagawa noong Abril 28 hanggang Mayo 2, 2021 kung saan tinanong ang nasa 1,200 na adults.

Pumangalawa sa Amerika ang Japan (sa 19 porsyento), sinundan ng Australia at United Kingdom (sa 13 porsyento), Canada at Russia (sa 12 porsyento), at Germany (sa 8 porsyento).

Ang eksaktong tanong sa survey ay: “Kung makakapili ka sa bansang pinanggalingan ng bakuna, na lahat aprubado ng Food and Drug Administration ng Pilipinas, alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo?”

Samantala sa tanong na: “Kung makakapili ka sa tatak ng bakuna, na lahat aprubado ng Food and Drug Administration ng Pilipinas, alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo,” lumabas na 39 porsyento ng mga Filipino ay nais ang Sinovac na gawa ng China samantalang 33 porsyento ang pabor sa Pfizer ng America.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/05/25/2100685/sws-63-na-pinoys-mas-gusto-ang-bakuna-galing-us

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.